First Filipina, and third overall female to complete the Century Tuna IRONMAN Philippines 2024!

Congratulations to Jennifer Aimee Uy, the first Filipina, and third overall female to complete the Century Tuna IRONMAN Philippines 2024!

Hua Siong College of Iloilo Alumni Batch 2005 is incredibly proud of this outstanding achievement. Your dedication, perseverance, and incredible strength are an inspiration to us all. You have set a new benchmark and paved the way for future generations.

Your alma mater celebrates your success and cheers you on as you continue to break barriers and reach new heights.

𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐚𝐝𝐞𝐦𝐢𝐜 𝐄𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞!

With immense pride and honor, we extend our heartfelt congratulations to Rica Jalaine O. Baes, JHS Batch 2017, Cum Laude, Bachelor of Science in Accountancy at the University of the Philippines-Visayas.

Your dedication, passion, and unwavering commitment to your field have led you to this remarkable achievement.

Your Hua Siong family is incredibly proud of you! This academic success is a testament to Hua Siong’s dedication to delivering quality education and developing highly competent individuals!

𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐚𝐝𝐞𝐦𝐢𝐜 𝐄𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞!

With immense pride and honor, we extend our heartfelt congratulations to Kathleen Ann H. Sison, JHS Batch 2018 and SHS Batch 2020, Cum Laude, Bachelor of Science in Applied Mathematics with Specialization in Mathematical Finance at Ateneo de Manila University.

Your dedication, passion, and unwavering commitment to your field have led you to this remarkable achievement.


Your Hua Siong family is incredibly proud of you! This academic success is a testament to Hua Siong’s dedication to delivering quality education and developing highly competent individuals!

JHS department nagdiwang ng Araw ng Wika

JHS department nagdiwang ng Araw ng Wika

Ang buong Junior High School ay nakibahagi sa pagdiriwang ng pamanang Pilipino sa pamamagitan ng Araw ng Wika sa temang “Wika ng Kapayapaan, Seguridad, Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” noong Agosto 22, 2023, sa Irene Ang Jun Uygongco Auditorium, ala-una ng hapon.

Nagsimula ang kaganapan sa pambungad na mensahe na idinulog ni Bb. Shella Marie Surmaco, Asst. Principal ng Junior High School Department.

PAGPUPUGAY SA WIKA. Nagpamalas ng pasasalamat ang mga tagapag-organisa sa kanilang panauhing pandangal sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa.

“Ang pagtitipon natin sa araw na ito ay isang patunay na kahit tayo ay nanggaling sa iba’t ibang klase ng pamumuhay, at may iba’t-ibang paniniwala, edad, kasarian, at lugar na pinanggalingan, tayo ay napag-iisa ng iisang hangarin at iisang wika—ang wikang Filipino, isa sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.” saad ni Bb. Surmaco.

Ang pagtitipon ay kinumpleto ng mga panauhing tagapagsalita sa ngalan nina Dr. John Erwin P. Pedroso, Prof. Jose Julie E. Ramirez, at PTCOL Lindley T. Barrientos, ang Deputy City Director for Administration, ICPO.

Kasunod ng talk show ay ang mga trivia questions, na masigasig na inaabangan ng mga estudyante. Ang mga mag-aaral ay sabik na tumakbo laban sa isa’t isa upang sagutin ang mga tanong at manalo ng mga premyo na inihanda ng mga guro.

Sa pagtatapos ng programa, ang paaralan ay nagbigay ng mga sertipiko ng pagpapahalaga sa mga panauhing tagapagsalita at nagpasalamat sa kanilang paglalaan ng oras upang turuan ang mga nakababatang henerasyon tungkol sa pamanang Pilipino kasabay ng kanilang pagtaas ng kuryusidad sa ating Kulturang Pilipino.

Red Cross Youth nagsagawa ng mga pagsasanay para sa mga mag-aaral

Red Cross Youth nagsagawa ng mga pagsasanay para sa mga mag-aaral

Nagsagawa ang Red Cross Youth, isang organisasyong pang mag-aaral ng Hua Siong College of Iloilo (HSCI) ng dalawang magkasunod na kaganapan na pinangunahan ng Youth Volunteer Formation Course noong Oktubre 7-8, 2023, at ang Emergency First Aid Training noong Oktubre 14, 2023 sa Irene Ang Jun Teng Uygongco Auditorium, HSCI Main Campus.

Bilang bahagi ng paghubog sa kasanayan at kakayahan sa pangunang lunas, nagsagawa ang Red Cross Youth ng mga pagsasanay na dinaluhan ng mga mag-aaral sa HSCI Main Campus. Kuha ng PDSS

Mayroong 164 na kalahok, na binubuo ng mga mag-aaral na nagmula sa departamento ng Junior High School at Senior High School ng Main at Ledesco Campuses na nakibahagi sa paghubog sa kanilang kasanayan at pagdaragdag ng kaalaman.

Bago maitakda bilang opisyal na Red Cross Youth officers ay kailangan munang dumaan sa dalawang pagsasanay na kinabibilangan ng Youth Volunteer Formation Course (YVFC) at Emergency First Aid Training.

Nagbahagi si Ginoong John Paul Supapo, isa sa mga tagapangasiwa ng programa, “Bilang isang kabataan ng kasalukuyang panahon, kinakailangan na ang mga mag-aaral ay magkaroon ng iba’t ibang pagpapahalaga tulad ng empatiya, komunikasyon, at pagtutulungan.”

Ang mga nabanggit na pagpapahalaga ay ilan sa mga natutunan nila mula sa YVFC. Bukod dito, ang pagsasanay sa pangunang lunas ay nagbibigay din sa mga nag-aaral ng mga kasanayan at kaalaman sa pagliligtas ng buhay na hindi nabibigyang-tuon sa loob ng silid-aralan.

Ang mga tagapangasiwa ng Red Cross Youth Organization ay naghanda rin ng ilang mga pangkatang gawain katulad ng pagkatuto ng tamang proseso ng paggamit ng bandage at iba pang mga pangunang lunas na may layuning makasagip ng buhay.

Dagdag pa ni G. Supapo, “Ang dalawang pagsasanay ay parehong mahalaga sa ating mga mag-aaral dahil hinuhubog nito ang mga bata upang maging mas mabuting mamamayan ng bansa. Ang Values ​​Formation Program ay nagpapaalab sa pagpapahalaga tulad ng volunteerism. Ang pagsasanay sa pangunang lunas ay hindi lamang mapakikinabangan ng mga mag-aaral kundi ng lipunan. Ito ay isang paraan upang matiyak ang isang ligtas na kapaligiran at para maipakita na ang ating paaralan ay nagtataguyod ng kaligtasan.”

Ang lahat ng kalahok na nakibahagi ay naging opisyal na miyembro ng Senior Red Cross Youth Council ng paaralan, ngunit higit sa lahat, sila ay nakadagdag pa lalo sa kanilang kaalaman at na maaaring magamit nila sa oras ng pangangailangan.

Junior Phoenixes hold JHS Festival, United Nations

Junior Phoenixes hold JHS Festival, United Nations

With the theme, “Unleashing the Potential of Future Champions,” the Junior High School (JHS) Department held the JHS Festival and United Nations last October 19-20, 2023 at the Ty Eng Liong Gymnasium, Ledesco Campus.

Armed with wit and confidence, the Junior High School learners discussed important issues in the society through an exchange of ideas during the JHS Diskurso. Photo courtesy of Gayle Frances Natividad

The learners joined the two-day event where they showcased their talents in a wide range of contests such as Filipino Declamation, Character Impersonation, Spelling Bee, Clash of Wits, Diskurso, Flavors of Asia, Parade of Nations, JHS Power Poll, Your Group Looks Familiar and Cinemotion.

“I feel proud and fulfilled during the JHS festival as I witnessed the learners showcase their talents and potential. It brings me happiness to see that their hard work and the dedication of the teachers paid off. Moreover, the support from parents and the Hua Siong community throughout the festival added an extra shine to the overall experience,” shared Ms. Lea Marie Examen, Head Teacher of JHS Ledesco Campus.

Parade of Nations winner, Tatiana Fernandez, said, “As a transferee, my experience of the Junior High School festival was really great. I didn’t really expect to receive an award and I would like to express my gratitude to the teachers who supported me along the way.”

The event concluded with the announcement of the winning curriculum with Grade 10 Ledesco Campus as the Overall Champion, followed by the Grade 10 Main Campus as the 1st runner-up, and the Grade 7 Ledesco Campus as the 2nd runner-up.

zh_CN简体中文