Panoorin ang ‘Paglaum,’ isang dokumentaryo mula sa The Chain—pahayagang pampaaralan ng Hua Siong College at suportahan sila sa pamamagitan ng pag-share at pag-react ng ❤ sa kanilang opisyal na entry sa USA Publications.
🥚 —Ang bigat at hugis ng balut, kasingbigat nga ba ng ating balota at boto?
Sa ilalim ng kislap ng lungsod, ang kahirapan ay isang madilim na lihim, na sinasalamin ng 45 taong pakikibaka ni Nanay Dolores. Limitado ang kanyang mga pangarap, ngunit ang kanyang kwento—kasama ang pagkabigo ng sistema—ay lagpas ang hiyaw para sa 17 milyong Pilipino. Ano ang pipiliin ng isang bansang nababalutan ng pagkawalang-bahala?
Ang dokumentaryo na may pinakamaraming Facebook reactions ang mananalo ng People’s Choice Award! Ang botohan nito’y magsisimula mula ika-8 hanggang ika-14 ng Marso.
Mga Estudyanteng Tagalikha ng Pelikula:
Ronyan Rafols
Angela Kris Caidic
Rhabia Salma Sharief
Chloe Anne Abcede
Akyzah Denyss Inate
Tagapayo:
France P. Banguiran
