Ang buong Junior High School ay nakibahagi sa pagdiriwang ng pamanang Pilipino sa pamamagitan ng Araw ng Wika sa temang “Wika ng Kapayapaan, Seguridad, Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” noong Agosto 22, 2023, sa Irene Ang Jun Uygongco Auditorium, ala-una ng hapon.
Nagsimula ang kaganapan sa pambungad na mensahe na idinulog ni Bb. Shella Marie Surmaco, Asst. Principal ng Junior High School Department.
“Ang pagtitipon natin sa araw na ito ay isang patunay na kahit tayo ay nanggaling sa iba’t ibang klase ng pamumuhay, at may iba’t-ibang paniniwala, edad, kasarian, at lugar na pinanggalingan, tayo ay napag-iisa ng iisang hangarin at iisang wika—ang wikang Filipino, isa sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.” saad ni Bb. Surmaco.
Ang pagtitipon ay kinumpleto ng mga panauhing tagapagsalita sa ngalan nina Dr. John Erwin P. Pedroso, Prof. Jose Julie E. Ramirez, at PTCOL Lindley T. Barrientos, ang Deputy City Director for Administration, ICPO.
Kasunod ng talk show ay ang mga trivia questions, na masigasig na inaabangan ng mga estudyante. Ang mga mag-aaral ay sabik na tumakbo laban sa isa’t isa upang sagutin ang mga tanong at manalo ng mga premyo na inihanda ng mga guro.
Sa pagtatapos ng programa, ang paaralan ay nagbigay ng mga sertipiko ng pagpapahalaga sa mga panauhing tagapagsalita at nagpasalamat sa kanilang paglalaan ng oras upang turuan ang mga nakababatang henerasyon tungkol sa pamanang Pilipino kasabay ng kanilang pagtaas ng kuryusidad sa ating Kulturang Pilipino.